Saosin?
Im not so famillar with this rock band until I was bumped with an article written for them after their concert here in the Philippines. The write ups was so nice that I was so puzzeled to what type of voice or performance they can give. That is why, I search some of their videos on youtube. Wow…hey guys ! They really rocks.” You’re Not Alone” was great and their new damn single “Fireflies” was awesome.
Here’s karaoke of their song “You’re not Alone”
Kung sa iba ay pan desal ang gusto nilangisabay sa kanilang kape…Toasted bread naman ang sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit …At dahil sa pagkahumaling ko sa toasted bread ay naisipan kong gumawa ng tula na may kinalaman dito.
Hindi ko mawari ang aking sarili
Kung bakit ang sarap moy nakakakiliti.
At ang dulot mong tamis
Ay nagdudulot sa akin ng ngiti.
Sa gaspang mo’y
Nasasarapan ako.
At dahil sa iyo
Naging adik ako.
Hindi nga ako sigurado kung tula nga ba talaga ang aking naisulat. Pasensya na po kung isa na namang walang kabuluhan ang aking naisulat.
Si Mother Theresa sa edad na labin-dalawa ay napagtanto na niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay, ang tumulong sa mga taong pinkamahirap sa mga mahirap. Eighteen years old siya ng pasukin niya ang pagmamadre(Irish sisters). Naging guro muna siya bago niya pasukin ang misyon na tulungan ang mga taong mahihirap sa Calcutta.
Akala ko noon, mga mahihirap na may sakit ang kanyang tinutulungan pero nagkamali ako dahil mga taong malapit ng mamatay pala. Nagtaka ako kung bakit MGA TAONG MALAPIT NG MAMATAY ang tinutulunga niya. Hmpt… kayo hindi ba kayo nagtaka kung bakit?
Nalaman ko kung bakit ng mabasa ko ang aklat na may pamagat na Passion: The Blaze Within na sinulat ng isang singaporean. Ayon sa aklat, gusto daw mabigyan ng disente o maayos na kamatayan ang mga taong nakakalat sa Calcutta na malapit ng mamatay. Sa Calcutta daw kasi noon, kahit may hininga ka pa habang nakahandusay sa daan ay walang pakialam ang mga tao. Ang turing sa kanya ay parang isang basura na inihahagis na lamang sa truck ng basurahan.
Ang mga natutulungan daw ni Mother Theresa ay napapangiti kapag nalinisan at napakain na niya. Kahit hindi na magtatagal ang buhay nila ay nakaramdam naman daw sila ng pagmamahal. Pagmamahal na hindi nila naranasan sa tunay nilang pamilya.
Kung sana may kagaya ni Mother Theresa sa pamahalaan natin na tutulong sa mga pilipinong naghihirap. Yung pagtulong na bukas sa kalooban at walang hinihinging kapalit. Yung taong kayang iwan ang sariling kaligayahan para makatulong sa iba.
Kapapanalo lamang ni Peñaflorida isa sa mga CNN Hero’s at marapat lamang natin siyang ipagmalaki dahil sa kalahi natin siya ngunit sa likod ng pagpapakasaya natin ay ang isang katotothanan na ang ating bansa ay nasasadlak sa kahirapan. Napaghahalata natin ito dahil sa pagdami ng mga NGO’s sa ating bansa. Mga NGO’s na gumagabay at tumutulong sa mga pilipinong PINAKAMAHIRAP SA MGA MAHIRAP.
Pilipinas, kailan ka kaya aahon sa putik na iyong kinasasadlakan? Kailan darating ang pinunong may puso sa nangangailangn?
Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ng ako ay magsimulang mag-blog dito sa wordpress. Isang taon na pala ang nakalipas simula ng ako ay mag-blog. Sa katotohanan ay hindi naman talaga ako marunong sumulat ng essay o ng mga tula…
Pero kahit papano naman ay may mga nasasabi o nasusulat pa rin ako. Salamat sa mga taong bumisita sa aking blog. Salamat talaga ng marami at pinagtiyagaan niyo ang mga sulat kong hindi maayos ang pagkakagawa.
Dahil sa ngayon ang kaunaunahang anibersaryo ng pagiging blagista ko (ngeks may ganun) ay atin pong balikan ang mga sinulat kong medyo tumatak sana sa puso at isipan ng mga bumista sa aking blog pero hindi naman nangyari (may ganun na naman). Pero kahit walang bumibisita sa aking blog ay balikan pa rin natin ang post na paborito ko.
- Mababoy na buhay – ginawa ko ang post na ito sa araw na nandiri ako sa lutong ulam na gawa sa karne ng baboy.
- Pagtingin – isang mais na joke na tungkol sa pakikipagtitigan.
- Birthday ko kaya – ang post ko sa araw ng aking kapanganakan.
- Saranggolang wasak – ang tulang nilikha ko nung mga panahong ang tingin ko sa aking sarili ay parang isang saranggolang wasak.
- Nawawala si superman – nawawala si superman…basahin niyo para malaman kung sino/ano si superman.
- Pahiram ba o pahingi – para sa mga taong mahilig humiram ng gamit
- psst…secret
- Rizal – comment ko sa rizal the movie
Kinukuha ko na ngayong semester ang subject kong CE Review 2 (hydraulics and design) at ngayong araw ang post test namin sa dalang subject na kasali sa Rev 2, ang Strength of Materials at Theory of Structures 1.
Bago ang post test ay nagkaroon muna kami ng 2 day lecture(bale 2 Sundays ito, kaya matagal na akong hindi nakakauwi sa bahay namin) tungkol sa dalawang subject. Strength at theory 1 ang sa unang araw at Timber and Stell Design naman ang sa pangalawang sunday. Binigyan pa kami ng prof namin ng mga assignment at ang due date ay sa araw ng post test.
Nag-test na nga kami kanina sa dalawang subject,strength at teheory 1. May mga nasagutan naman ako kahit papano. Nalito lang ako kanina sa checking the determinacy or indeterminacy of structures. Hindi ko kasi alam kung sa truss ba o frame ang formulang b + r= 2j. Para makasigurado ay tinanong ko na lang ang katabi ko at para sa truss pala ang formula. Naging maayos naman ang pagsagot ko sa ibang problems pero may isang problem na hindi ko nasagutan dahil hindi ko alam kung pano kunin ang maximum moment ng cantilver propped beams na may loadings na moment sa napropped na part ng beams.
Sa strength talaga ako nagkaproblema dahil hindi ko alam(again…jaja) kung ano ang formula para sa thermal stress (yung eksaktong formula ah). Ang alam ko delta t ang change in temperature. Binase ko na lang ung ibang part ng formula sa mga given. Ang ginamit kung formula ay deformation times delta T equals length * alpha. Given kasi ang alpha na may unit na m/m C( centegrade ang c at take note sa space betwee C and the second m ), deformation ay mm pati narin ang length.
Pagkatapos kong sagutin ang problem na may kinalaman sa thermal stress (dalawa kasi ang problems na may kinalaman thermal stress) ay napagpasyahan ko ng ipass ang papael ko kasi nagpapass na rin ang mga kaklase ko. Pagkalabas ko ng room ay inilabas ko kaagad kung tama ang ginamit kong formula sa Thermal stress. Putik ohhhh… mali ang formula na nagamit ko ang dapat pala ay deformation= delta T * alpha * length.
shucks…mali ako. Sinisi ko ang nag-encode ng exam namin kasi ang pagkakalagay dapat sa unit ng alpha ay m/mC. Ang pagkakaintindi ko kasi sa m/m C ay nasa numerator at hindi sa denominator ang C.Kung magkadikit lang sana ang m at ang C ay nakuha ko sana ang tamang formula.
Pero wehhh…nanisi na naman ako ng iba. Ang sama ko talaga. Ako talaga ang may kasalanan kasi hindi ako nag-review ng mabuti.
Pinabayaan niyo akong mahulog
Para saluhin sa huli
Pinabayaan niyo akong masugatan
Para gamutin niyo ng pag-ibig
Dahil sa mga sugat na ito
Nakilala ko ang tunay niyong pagkatao.
Mapag-mahal, mapag-aruga…
‘Yan ang naging tatak niyo.
I just dont have the time to write long post right now…i am still busy doing my damn project in Construction Project Management(CPM). the dead line of passing is 15 but we ask our prof. to add an extension on the deadline and thanks God he add an extension…
Sobrang busy ako ngaun kaya wala na akong time para mag-blog…jajaja
Kailangan kita
Pero wala kana.
Tinatawag ka
Ngunit diwa mo’y nasa iba
Nasaan ka,
Hindi kita makita?
Nasaan ka na,
Bakit ang dli mong nawala?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit hindi mo ako pinagtiyagaan?
Bakit?
Bakit nga ba?
dahil sa kadahilanang ayaw ko pang ipakita kung anong klaseng pagmumukha ang meron ako ay naisipan kong gawan na lang post ang pamangkin kong si Ira Vianney. nickname niya po ay ira at 1 year- 8 months-days old palang siya ngayong araw.
Minsan ay matino ang kanyang pag-uugali at kung minsan naman ay hindi. pero mas marami ang time na siya ay matino. siya ang nagsisilbing anghel namin sa bahay…sobrang bibo niya kasi. mantakin niyo bang marunong na siyang bumasa (joke lang ). alam niya lang humawak ng libro, kasi kapag baligtad ang pagkakalapag mo sa libro o pagkakabigay mo sa kanya ay babaligtarin niya ito. madali rin siyang turuan.
Balik po tayo sa mood niya…
minsan ay ganito siya…

o ayan nagpapa-cute ang dalaga…

at masayain din siya

at ganito ang mukha niya kapag galit siya

kahit sobrang moody ng pangkin kong ito ay sobrang mahal na mahal namin siya.




