birthday ko kaya

2009 Agosto 8
by fampings

tatanda na naman po ako ng isang taon, kaarawan ko po kasi ngaun(batiin niyo naman me ng happy bday)…saktong may nagtext naman sa akin ng isang mensaheng gusto kong ibahagi sa inyo.

life doesn’t get easier with age, it only get challenging.dont be afraid, pursue your dreams, love if you want, cry if your hurt. Dont grow old just grow up.”

tama naman naman na ang pag-uugali o attitude at pag-iisip natin ang dapat na nagbabago o tumatanda. marami sa atin ang mga ugaling bata o isip bata kahit tayo ay nasa tamang edad na…isang halimbawa ng paguugaling ito ay ang mga dalaga at binata na may edad 13 pataas ngunit hindi pa rin sila marunong maglaba ng kanilang mga damit lalong lalo na ang mga underwears. ipinapalaba pa nila ito sa kanilang mga labandera…

pasasalamat:

sa lahat ng mga nakasama ko sa loob ng 22 years, maraming-maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin. salamat sa mga puna at payo at sa lahat ng naibigay niyong kritisismo sa akin.

salamat po…inang, tatang, kuya emer, ate len, ading junior, ira vianney . salamat sa pagmamahal na ipinagkaloob niyo. sa mga pagtitiyaga sa ugali ko at sa kung anu-ano pa

sa mga tita & tito na nagbibigay ng tulong kapag nangangailangan ako, tita ellen and tito nario, tita darling & tito ben

sa mga pinsan, pamangkin at parang pinsan na rin:belle, dionel, apol, kristine, kristian, kang kang,cheche, queen, alysa,yanang,lady,amboy, mikay

sa maze group (mj, zaida alvin) para sa friendship na ibinigay nila sa akin.

sa mga kaklase ko na kasannga ko sa mga pagsubok na ibinibigay nila. sa mga pakopya niyong answer lalo na kapag wala akong nagawang assignment o kaya naman ay hindi ako nakapagreview. salamat din sa pagpapahiram niyo sa akin ng books na pinapaphotocopy ko(kailangan ko kasing magtipid kaya namimirata na rin ako). kay patrizia, novel, riza ryssa, eden, ate pre’, allen, grace, ate shamie. pati na rin kina edwin, mark p, mark l, sam, moks

sa mga boardmates ko na nakasama ko sa loob limang taon ko sa kolehiyo (pang 13 semester ko na sa 2nd sem). k alvin (siya na naman), tsojie, rean, elixir, jonas,prince, sa mga kuya (herson, jayson, raymond, joel, jimbo), sa mga ate (april, sheena, jane, janet, lerma), sa mga isang taon ko palang nakakasama (patty boy, timo), kay sir sherma na naging caretaker namin sa boarding at bilang isang kaibigan/kuya na rin(parang kapatid na rin…jejeje),at sa mga hindi ko na nabanggit patawad po ng marami.

sa mga naging friends ko sa mundo ng blogosperyo. lalong lalo na sa mga naglink sa akin… pati na rin ang mga nagcomment. salamat ng marami sa pagbisita sa isang bahagi ng aking buhay.

maraming-maraming salamat sa lahat… ang saya ko at nakasama ko kayo

Wala pang mga puna

Mag-iwan ng Tugon

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Magpahatid sa punang ulat ito sa pamamagitan ng RSS